Sizing Guide
Paraan ng Pagsukat
Sukat ng Jade Bangle
Importante ang tamang sukat , dahil hindi na pwede ma resized ang mga jade bangles pag ito ay nabili mo na. Sundin ang mga steps sa ibaba bago magplace ng order.
Method 1: String o Paper Strip
- 1
Panatilihing naka relax ang iyong kamay
Iunat ang iyong dominanteng kamay nang palapad, pagdikitin ang mga daliri, at itupi ang hinlalaki papunta sa palad. Ito ang posisyong dapat gawin ng iyong kamay kapag isinusuot o ipinapasok ang isang bangle.
- 2
Balutan ang pinakamalawak na bahagi
Ibalot ang manipis na piraso ng papel o tali sa pinakamalapad na bahagi ng iyong kamay, sa ibaba lamang ng mga buko ng mga daliri, kasama ang iyong hinlalaki. Lagyan ng marka ang bahaging nagtagpo ang magkabilang dulo ng papel o tali.
- 3
Sukatin ang haba
Ipatong nang patag ang papel o tali sa isang ruler. Ang haba nito sa milimetro ang iyong sukat ng palibot (circumference). Hatiin ito sa π (3.14) upang makuha ang panloob na diyametro (inner diameter). Ito ang tamang sukat ng iyong bangle.
Bangle size (mm) = circumference (mm) ÷ 3.14
Method 2:Onhand Bangle
Kung mayroon ka nang saktong sukat ng Jade bangle ,sukatin ang inner diametro gamit ang ruler. Ipatong ang ruler sa gitna ng butas ng bangle ang pinakamalawak na bahagi ay yan ang iyong totoong sukat (milimetro) .
Reference ng sukat na Chart
Ang inner diameter (ID) ang ginagamit namin para maaukat ang lahat ng jade bangles. Ipinapakita namin ang sukat sa pamamagitan ng milimetro.
| Inner Diameter | Approx. Label |
|---|---|
| 49-50 mm | XS |
| 51-52 mm | S |
| 53-55 mm | S-M |
| 56-58 mm | M |
| 59-61 mm | M-L |
| 62-64 mm | L |
| 65-68 mm | XL |
| 69 mm+ | XXL |
Ang sukat ay naiiba sa bawat piraso. Ang eksaktong loob na sukat( diameter) ay nakasaad sa bawat pahina ng produkto.
Tips para tama ang sukat
- ·Sukatin ng gabi, dahil namamaga ang mga kamay pag araw.
- ·Sukatin ang magkabilang kamay at gamitin ang may malaking sukat.
- ·Kung nasa pagitan ka ng sukat, piliin ang mas malaking sukat . Mas madali ang bahagyang maluwag na bangle kaysa masyadong sikip.
- ·Sukatin ng maraming beses at kunin ang tamang sukat.
- ·Hindi sigurado? Mag-book ng appointment at tutulungan ka namin na sukatin personally.