Free shipping sa Singapore
Designs by Racquel

Ang Aming Kwento

Ang aming Kwento
Ang aming Pangalan

Kami ay jewelry shop sa Singapore na hinubog mula sa pagmamahal sa aming mga gawa upang makapagbigay ng magandang , kulay at koneksyon sa mag mamay-ari nito.

Nagsimula ang Designs by Racquel katulad din ng karamihan,sa payak na paraan at sa mga taong may tiwala sa kanya. Nagsimulang lumikha si Racquel ng mga alahas para sa kanyang malalapit na kaibigan at pamilya, dahil sa kanyang hilig na gumawa ng mga pirasong alahas na pwedenh isinusuot araw-araw, nagiging bahagi ng mahahalagang yugto ng buhay, at alam nya na sa pagdating ng panahon ito ay maipapamana sa susunod na henerasyon.

Ang nagsimula lang bilang personal na gamit hanggang sa umabot sa isang boutique, hanggang sa kumalat na (word of mouth) hinde lang sa pamamagitan ng advertising kundi sa pamamagitan ng mga tao na nagsuot alahas mismo: mga wedding ring na isinuot sa kasal, mga alahas na naisusuot sa handaan kasama ang pamilya at kakilala, Dahil may suot na jade item nakikita ng mga kasama kaya nagkakaroon ng pagtatanong nagdulot eto ng awareness kaya bawat piraso ng alahas nagsisilbing sample upang sila ay napapabili narin.

“Hindi ako gumawa ng alahas para pang display lang sa mga cases bagkus gumagawa ako ng alahas na gugustuhin ng mga tao na isuot ito”.

Ngayon, ang Designs by Racquel ay isang Singapore institution para sa mga gustong magpasadya ng alahas at nakikita nila ang maganda at maayos na gawa, at Nag-espesyalisa kami sa dalawang mahalagang bato : jade, at pasadyang alahas.

Ang aming mga customer ay nagpapagawa samin ng kanilang pasadyang alahas sa lahat ng pagdiriwang ng kanilang buhay.katulad halimbawa engagement rings at wedding ring, para sa anniversary surprises at birthday gifts, para sa jade item naman para ipagdiwang ang bagong kabanata o parangalan ang minamahal. Bawat alahas ay iniingatan at talagang pinapangalagaang mabuti.

“Ang bawat pirasong aming nililikha ay may dalang layunin at kahalagahan ng sandaling ito’y ginawa.”

Gawang- Singapore

Gawang Singapore,Kayang ipagpamalaki sa buong mundo

May matagal nang tradisyon ang Singapore sa mahusay na paggawa ng mga alahas, na hinubog ng iba’t ibang kulturang bumuo sa kasaysayan ng isla. Ipinagpapatuloy namin ang tradisyong ito sa pakikipagtulungan sa mga lokal na artisan na bihasa sa parehong klasikong pamamaraan at sa modernong panlasa ng mga customer sa Singapore. Bawat disenyo ng alahas ay maingat na nililikha sa aming pagawaan upang umabot sa pandaigdigang pamantayan, habang nananatiling tapat sa pagkakakilanlan at pamana ng Singapore.

Pamana na Jade

Ang mga Jade item ay isang buhay na hiyas

Ang jade ay pinahahalagahan sa loob ng milyun-milyong taon sa mga kultura ng Chinese, Burmese, at Southeast Asian, hindi lamang para sa kagandahan nito kundi para sa kung ano ang naniniwala na dala nito. Ang aming mga jade item ay talagang sinusuring mabuti mula sa mga pamilihan sa Myanmar, ang bawat piraso ay pinipili para sa kulay, transparency, at pakiramdam. Bawat piraso at disenyo ay nagiisa lamang at walang katulad.

Tuklasin pa

Suriin ang aming mga gawa