Free shipping sa Singapore
Designs by Racquel
Bumalik sa home

Legal

Patakaran sa Privacy

Huling update 11 July 2026. Ipinaliwanag ng patakaran na ito kung paano kinokolekta, ginagamit, ipinapahayag at pinoprotektahan ng Designs by Racquel ang inyong personal na impormasyon ayon sa Personal Data Protection Act 2012 (PDPA) ng Singapore.

1. Sino nga ba ang Designs by Racquel

Ang Designs by Racquel ("kami,tayo,atin") ay isang jewelry business sa Singapore. Kami ang responsable sa mga personal na impormasyon na kinokolekta namin mula sa aming mga customer sa tuwing sila ay bumibisita sa aming shop, pag nag place ng order, pag nag-book ng appointment, o makipag-ugnayan sa amin.

2. Ang aming mga kinokolekta

Depende sa kung paano kayo nakikipag-ugnayan sa amin, maaari naming kolektahin:

  • Tunay na pangalan at ang gusto mong pangalan.
  • Contact details: email address, phone o WhatsApp number.
  • Billing at delivery address.
  • Order at purchase history.
  • Sukat at saktong detalye na ibinabahagi ninyo sa amin, tulad ng sing-sing, bangle o bracelet measurements at style notes, upang makatulong kami sa pagrekomenda ng saktong sukat.
  • Appointment details at kompletong detalye tungkol sa inyong tinatanong.
  • Maari kayong mag message sa pamamagitan ng email, WhatsApp o kahit anong contact forms.

Hindi kami nangongolekta o nagtatago ng inyong buong detalye. Ang mga pagbabayad ay hinahawakan ng aming payment provider (tingnan ang section 5).

3. Bakit kailangan nating gamitin

Ginagamit namin ang inyong mga personal na impormasyon upang:

  • Iprocess na namin at aayusin ang inyong mga order, kabilang ang delivery at returns.
  • Pagbigay ng bayad mag isyu kami ng resibo at mga invoices.
  • Ayusin ang shipping at, para sa overseas orders, customs at duty.
  • Mag-book at Magpa appointments sa mga pasadyang alahas.
  • Sumagot sa inyong mga tanong at magbigay ng customer care.
  • Lagi kaming magpapadala sa inyo ng updates tungkol sa inyong order, at, kung sumasang ayon kami rin ay magpapadala ng mga promo at mga bagong offer.
  • Panatilihin ang tamang pagnenegosyo, accounting at tax records na naaayon sa batas.

4. Inyong pahintulot

Sa pagbibigay ng iyong personal na impormasyon at mag place ng order, sumasang-ayon kang gamitin namin ang impormasyong ito para sa mga layuning nakasaad sa itaas. Kung ang aming pagpapadala ng mga mensaheng pang-marketing ay nakabatay sa iyong pahintulot, maaari mo itong bawiin anumang oras (tingnan ang Seksyon 8). Magpapadala lamang kami ng mga mensaheng may kaugnayan sa iyong order na kinakailangan upang maibigay sa iyo ang aming serbisyo, maliban kung pinili mong tumanggap ng mga mensaheng pang-marketing. para sa mga layuning ito. Kung nagsisiguro kami sa inyong pahintulot para sa marketing messages, maaari ninyong ibalik ito anumang oras (tingnan ang section 8). Magpapadala lang kami ng order-related messages na kinakailangan upang maglingkod sa inyo maliban kung nag-opt in kayo sa marketing.

5. Sino ang Maaaring Pagbahaginan ng Iyong Impormasyon

Ibinabahagi namin ang personal na impormasyon na kailangan sa mga trusted service providers na tumutulong sa amin na patakbuhin ang negosyo. Kasama dito ang:

  • Ang aming payment provider, para makuha at mai-secure ang inyong pagbabayad.
  • Ang aming shipping at courier partners, ay pinapanatiling maayos upang maihatid ng maayos ang inyong order.
  • Ang aming email at messaging providers, ay laging magpapadala sa inyo ng order updates.
  • Ang aming secure cloud hosting provider, ay ligtas para sa imbakan ng aming records.

Hinihiling namin sa mga providers na protektahan ang inyong data at gamitin lamang ito para sa mga serbisyong ibinibigay nila sa amin. Hindi kami nagbebenta ng inyong personal na impormasyon. Ang ilang providers ay maaaring magproseso ng data sa labas ng Singapore. Kung ganoon, gumagawa kami ng mga reasonable paraan upang masiguro ang comparable standard ng protection sa PDPA.

6. Paano namin ito pinoprotektahan

Iniimbak namin ang iyong datos sa mga ligtas na sistema na may access lamang ang mga awtorisadong kawani. Gumagamit kami ng encryption habang ipinapadala at habang nakaimbak ang iyong datos, pati na rin ng role-based access controls upang matiyak na ang mga may wastong pahintulot lamang ang makakakita nito. Nagtatala rin kami ng mga panloob na rekord kung sino ang nag-a-access sa sensitibong impormasyon.

Ang iyong personal na datos ay iniimbak sa Singapore. Ang aming website at ang pangunahing mga database na naglalaman ng iyong impormasyon ay naka-host sa Singapore. Gaya ng nakasaad sa Seksyon 5, may ilang piling service provider, tulad ng aming mga kasosyo sa email at courier, na maaaring magproseso ng limitadong datos sa labas ng Singapore upang maibigay ang kanilang serbisyo. Gumagawa kami ng mga makatuwirang hakbang upang matiyak na ang iyong personal na datos ay tumatanggap ng antas ng proteksiyong maihahambing sa itinatakda ng PDPA (Personal Data Protection Act).

7. Gaano katagal namin ito itatabi

Pinapanatili namin ang inyong personal na impormasyon lamang hanggang sa kinakailangan namin ito para sa mga layuning ito, o ayon sa batas:

  • Mga Order, invoice at accounting records: pinapanatili namin ng hindi bababa sa 5 taon, ayon sa requirements ng Singapore tax law (IRAS).
  • Mga sukat , preferences at appointment notes: mananatili habang kayo ay active pa na customer, at sinusuring mabuti.
  • Marketing consent: mananatili hanggang sa gusto inyo ng iwithdraw.

Kapag hiniling mo na burahin namin ang iyong personal na impormasyon, aalisin namin ang anumang pagkakakilanlan nito sa lahat ng aming mga sistema upang hindi ka na matukoy. Gayunpaman, pananatilihin namin ang mga rekord na pinansyal na inaatas ng batas na itago. Ang mga rekord na ito ay hindi na maglalaman ng anumang impormasyong maaaring magpakilala sa iyo bilang isang indibidwal.

8. Inyong mga karapatan

Sa ilalim ng PDPA maaari ninyong, anumang oras:

  • Tanungin kung anong personal na impormasyon ang mayroon kami tungkol sa inyo at paano namin ito ginamit.
  • Sabihan kami na baguhin ang anumang personal na impormasyon na mali o luma na.
  • Pwede nyong tanggalin ang inyong para sa mga marketing messages.
  • Hingin sa amin na burahin ang inyong personal na impormasyon, pero kung ito ay dapat na ingatan ay panatilihin namin sa aming pangangalaga kung ito ay kakailanganin ng batas.

Upang gumawa ng anumang mga request , makipag-ugnayan sa aming Data Protection Officer (tingnan ang section 9). Tutugon kami sa loob ng reasonable time, karaniwang loob ng 30 araw.

9. Makipag-ugnayan sa aming Data Protection Officer

Para sa anumang tanong o request tungkol sa inyong personal na impormasyon, mangyaring makipag-ugnayan:

Dean Seiff, Data Protection Officer
Designs by Racquel
dean.seiff@designsbyracquel.com

10. Pagbabago ng patakaran

Maaari naming i-update ng madalas ang patakaran. Ang petsa sa itaas ay nagpapakita kung kailan ito huling binago. Mangyaring bumalik para sa pinakabagong bersyon.